Add parallel Print Page Options

12 Kahit ang pinuno nilaʼy papasanin ang sarili niyang dala-dalahan at aalis nang gabi. Dadaan siya sa butas ng dingding na ginawa para sa kanya. Magtatakip siya ng mukha para hindi niya makita ang lupain. 13 Pero huhulihin ko siya na parang hayop at dadalhin sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo. Pero hindi niya ito makikita,[a] at doon siya mamamatay. 14 Pangangalatin ko sa lahat ng dako ang mga tauhan niya, mga lingkod at mga hukbo. At kahit nasaan sila, ipapapatay ko sila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:13 hindi niya ito makikita: Ayon sa 2 Kings 25:6-7, si Zedekia na hari ng Juda ay binulag bago dalhin bilang bihag sa Babilonia.